Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cong: Meralco poste panganib sa Batasan

0 201

Inireklamo ng isang lider ng Kamara ang nagtataasang poste ng Meralco na maaari umanong malagay sa panganib ang buhay ng Pangulo kapag sumasakay ito ng helicopter sa pagpunta sa Batasan Complex sa Quezon City.

Sa sesyon nitong Martes, tumayo si Deputy Speaker at Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves at sinabi na magpapatawag siya ng imbestigasyon kapag hindi inilipat ng Meralco ang mga poste na inaasahang gagamitin sa mga high tension wire.

SM food to go Banner Ad

Ipinunto rin ni Teves na nauna ang helipad kaysa sa mga poste.

“Hindi ko alam kung nag-survey sila, sana lang ma-consider nila `yon, na nalalagay sa delikado `yong buhay ng Presidente natin sa ginagawa nila. So kung pwede lang ilipat na nila `yon. In fact susulat ako ng imbestigasyon, I mean an inquiry about this, pero kung ilipat na nila, sana huwag na tayo umabot sa ganun maging considerate naman sila,” ani Teves. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.