Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cong Ordanes: Pondo ng SSS kakalkalin

0 243

Naghain ng imbestigasyon si Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ordanes para malaman kung talagang kulang ang pondo ng Social Security System (SSS) para sa P1,000 na dagdag sa pensyon ng mga senior citizen.

“Naghain po ako ng imbestigasyon in aid of legislation sa House para imbestigahan natin kung talagang walang pera ang SSS,” ani ng kongresista sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live.

Aniya, hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung kailan mapapatupad ang second tranche ng pension hike.

“Dapat po noong 2019 ay inaasahan na ‘yang maibigay ngunit hindi po naibigay sa mga pensioners natin ‘yung P1,000,” lahad ni Ordanes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dagdag ni Ordanes, sumulat na siya sa SSS tungkol sa naturang isyu, ngunit hindi siya naging kumbinsido sa tugon ng ahensya.

“Ang sagot po nila, kung ibibigay ‘yung P1,000 na second tranche ay mababawasan ng pitong taon ang fund life ng SSS,” ayon sa mambabatas. “‘Yan po ang kanilang dahilan kaya hindi maibibigay ‘yung karagdagang P1,000 pensyon.”

Paliwanag umano ng SSS, hindi sapat ang kanilang pondo dahil sa madaming nagsarang kompanya at bumaba ang kontribusyon na kanilang nakokolekta.

Determinado naman si Ordanes na maimbestigahan ang kaban ng SSS para malaman kung talagang kulang sila sa pondo. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.