Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cong pinalit ni Duterte kay Villar

0 31

Hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Southern Leyte Congressman Roger Mercado bilang acting Secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nilagdaan ng Pangulo ang appointment kay Mercado na epektibo noong Martes, Oktubre 12, 2021.

Pinalitan ni Mercado si Secretary Mark Villar dahil kakandidato ito sa pagka-senador sa 2022 elections.

SM food to go Banner Ad

Umaasa umano ang Malacañang na ipagpapatuloy ni Mercado ang mga naiwang proyekto ni Villar sa ilalim ng Build, Build, Build program ng administrasyon.

Nanumpa na kahapon si Mercado sa bagong niyang puwesto kay Executive Secretary Salvador Medialdea. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.