Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cong pinasibak kay Sinas mga pulis sa `Lumad rescue’

0 58

Iginiit ni 1-Pacman party-list Rep. Michael Romero kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na sibakin ang mga pulis na sangkot sa marahas at hindi umano makataong ‘rescue operation’ sa mga kabataang Lumad sa University of San Carlos sa Cebu City noong Lunes.

Kasabay ito ng inihaing resolusyon ng Makabayan bloc na humihiling sa House committee on human rights na imbestigahan ang insidenteng ito na ginawa ng mga pulis na pinalalabas pang isa umanong `rescue operation’.

Sa kanyang privilege speech, iginiit naman ni Romero sa liderato ng PNP ang madaliang pagsibak sa mga sangkot sa operasyon dahil malayo aniya sa sinasabing `rescue operation’ ang ginawa ng mga pulis matapos ang marahas na pagpasok sa campus.

Aniya pa, may nagsisigawan, umiiyak at humihingi ng saklolo, at nagkagulo ang mga kabataan sa pagsalakay ng mga pulis para sa sinasabing `rescue operation’.

Samantala, inihayag ni Romero na sa susunod na linggo ay posibleng masimulan na ng Kamara ang imbestigasyon sa insidenteng ito.

“`Pag hindi nagsasabi ng totoo itong mga police operatives na `to sila naman ikukulong natin dito sa Batasan. We can cite them in contempt until sabihin nila `yong totoong nangyari. I can always move to cite them in contempt,” ani Romero. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.