Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cong sa DepEd: Balik-eskuwela ikasa na

0 144

Nangangamba ang isang mambabatas na lalong makokompromiso ang kalidad ng edukasyon sa bansa kung magpapatuloy ang kawalan umano ng maayos na pagsuporta ng pamahalaan sa distance blended learning ngayong may pandemya.

Dahil dito, nanawagan si ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa Department of Education (DepEd) na siguruhing mabigyan ng sapat na suporta ang mga eskuwelahan at mga guro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gayunpaman, naniniwala si Castro na mas higit pa ring mainam at epektibo ang face-to-face classes pagdating sa pagbibigay ng de kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral.

Mungkahi nito na ngayon pa lamang ay dapat gumagawa na rin ng paraan ang pamahalaan pang makabalik na ang mga estudyante sa eskuwelahan. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.