Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cong: Taiwan, Singapore magandang gayahin

0 107

Matatapos umano ang “roller coaster” lockdown sa bansa kapag marami na ang nabakunahan at natutong makibagay ang mga tao sa pagbabagong dala ng COVID-19 katulad ng ginawa sa Taiwan at Singapore.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, chairperson ng House committee on ways and means, magluluwag na ng lockdown restriction ang Taiwan at Singapore.

Sinabi ni Salceda na 2% pa lamang ng populasyon ng Taiwan ang nabakunahan na, malayo sa herd immunity pero magluluwag na sila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito’y dahil natuto aniya ang mga taga-Taiwan na umangkop sa pandemya at nabawasan ang mga kaso ng COVID sa pamamagitan ng mass testing, tracing at epektibong minimum health standard at protocol.

Ang Singapore naman ay makakapagbakuna na aniya ng 80% ng populasyon nito sa susunod na buwan. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.