Abante Tonite Interactive

Cong tigang sa budget

376

Habang bumu­buhos ang ulan sa halos lahat ng panig ng bansa, tagtuyot naman ang nararamdaman sa tanggapan ng isang miyembro ng Lower House.

Hindi pa rin kasi nakukuha ng mambabatas ang budget sa kanyang tanggapan sa nakalipas na tatlong buwan.

Ang tsismis, iniipit daw ng isang opisyal ang badyet ng probinsyanong kongresista sa hindi malamang kadahilanan.

Kaya itong kawawang mambabatas, panay ang dukot sa kanyang bulsa upang iabono sa mga gastusin sa ­kanyang tanggapan.

Kahit rich itong si congressman, umaaray na rin ito sa ­pag-aabono ng panggastos sa ­kanyang opisina.

Clue. Ang kongre­sistang inipitan ng budget ay mula sa ­Visayas at may letrang R sa kanyang pangalan.