Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cong tumiba sa niratsadang batas

0 192

Balitang-balita na tumiba sa sugal ang isang mambabatas.

Pero hindi siya nanalo ng big time sa lotto, sa karera ng kabayo o sa casino. In fact, wala nga siyang inilabas kahit na isang sentimo.

Ang ginawa lang niya ay manahimik para umusad ng walang nakakapansin ang ipinakisuyo sa kanyang panukalang batas.

Para ngang naglakad-pusa ang panukala dahil hindi man lang ipinaalam sa publiko na magsasagawa ng pagdinig ang komite kaugnay nito.

Talaga namang keep quiet siya dahil hindi lang pantakip sa bibig ang kanyang natanggap kundi may kasamang pantakip sa tenga para siyang pakinggan iba. Naka-focus lang sa kanyang ginagawa.

Sa sobrang bilis ng pagpasa ng panukala ay hindi na ito nagawang habulin pa ng kanyang mga kasamahan na tutol dito at kahit na iyong gusto lang din sanang maambunan ng grasya.

Mukhang sinamantala na rin ng mambabatas ang pagkakataon dahil bye-bye na siya sa Kongreso sa Hulyo.

Clue: Ang mambabatas ay may letrang A sa kanyang pangalan as in Antahimik gumalaw.

Leave A Reply

Your email address will not be published.