Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cong Yap sinusulong ‘MMDA’ sa Boracay

0 107

Kinausap ni ACT-CIS Rep. Eric Yap ang mga business owner, kapitan at iba pang stakeholder sa Aklan ukol sa hinaing panukalang batas na maglalatag ng Boracay Island Development Authority (BIDA), na kanyang hinalintulad sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“Kumbaga ito ‘yung parang MMDA, eto naman ay BIDA naman… ang magma-manage na po ng island ng Boracay ay administrator na po,” lahad ni Yap sa ‘Balitaan at Kumustahan’ ng Politiko Live.

SM food to go Banner Ad

Aniya, napapanahon na isulong ito habang may pandemya para makapaghanda ang isla sa oras na pumasok na sa new normal ang bansa.

Target ni Yap na mapanatili ang rehabilitasyon ng naturang tourist destination at hindi na bumalik sa dati ang estado nito, na dati ipinasara dahil sa problema sa kalinisan. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.