Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cong Zaldy Co nakiramay sa mga ‘binaon’ ng lahar

0 196

Nakidalamhati si Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa mga pamilya ng na-trap sa kani-kanilang tahanan, kasunod ng pananalasa ng bagyong ‘Rolly’.

Sa paunang pagsisiyasat, sinabi ni Co na naging malawak ang iniwang pinsala ng bagyo, kaya naman pinangangambahan na ilan sa mga naiwan sa mga tahanan ay nasawi dahil sa pagbaha o natabunan ng lahar mula sa Mayon Volcano.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon pa sa kongresista , naging akma umano ang forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) dahil napanatili ng bagyo ang maximum na lakas ng hangin nito na 225 kilometro malapit sa sentro at bugso na aabot sa 280kph nang bumayo ito sa Bicolandia. Nagdulot ito ng pagkasira sa agrikultura, pagkawasak ng mga impraistruktura at kabahayan.

Umapela si Co ng tulong para sa mga taga-Bicol na katatapos lang na daanan ng bagyong ‘Quinta’, bukod pa sa paglaban nito sa pandemya. Kailangan umano ng pagkain, construction material, at tulong pinansyal para sa kabuhayan ng mga residente.

Sabi pa ni Co, makikipagtulungan na ito sa mga ahensya ng pamahalaan upang makapagbigay ng pansamantalang matitirhan sa mga nawalan ng tahanan, pero prayoridad ang pagbibigay ng pagkain, damit at masisilungan ng mga sinalanta.

Leave A Reply

Your email address will not be published.