Abante Tonite Interactive

Congressman kumuha ng analyst sa labanan ng speakership

0 356

Isang mambabatas na mahilig sa basketball at iba pang palakasan ang kumuha daw ng analyst sa matinding labanan sa Kamara.

Hindi naman daw ang paglalaro ng mga congressman ang gustong i-analyze ng mambabatas kundi ang labanan sa speakership.

Malaki rin ang pasuweldo ng mambabatas sa political analyst na magbibigay umano sa kanya ng mahalagang impormasyon sa labanan ng liderato ng Kamara.

Kulang daw kasi sa kabarkadang congressman itong mambabatas kaya’t umaasa na lamang sa report ng kanyang analyst.

Clue. Ang mambabatas na kumuha ng political analyst sa labanan ng speaker ay dikit sa administrasyon at may letrang A sa kanyang pangalan as in Aladdin