Abante Tonite Interactive

Congressman na napagkamalang druglord may apela sa netizens

By
9

Nanawagan si Quezon City Rep. Alfredo Vargas III sa netizens na maging ‘careful’ o huwag magpadalus-dalos sa paghuhusga at pagbibintang sa mga kumaka­lat na video o larawan lalo na kung hindi naman tukoy o kilala ang pinagmulang source ng mga pinapakalat na impormasyon sa social media.

Partikular na tinukoy ni Vargas ay ang pagtukoy sa kanya bilang bigtime druglord na si Herbert ‘Ampang’ Colangco sa isang video na nakuha sa isang birthday party.

“I just want to make it clear that it was me in that video and not Mr. Herbert Colangco. I had sore eyes during that time so I had to wear sunglasses and could not properly shake hands with everybody,” sabi ni Vargas.

Binanggit ni Vargas na siya ay naimbitahan ni De Lima na dumalo sa kaarawan nito sapagkat silang kasapi ng Liberal Party (LP).

“I was at Senator Leila De Lima’s birthday party last year at the DOJ quadrangle as a guest. It was a simple case of mistaken identity, perhaps because the video was blurred,” dagdag nito.