Abante Tonite Interactive

Congressman na target ng ambush tsinika ni Kim

1,860

NI: Mildred A. Bacud

Kinumusta namin si Kim Chiu sa aming source na malapit sa kaniya. Okey naman na daw ang aktres pagkatapos ng pananambang. Napanatag daw ang loob ni Kim matapos makausap ang dapat na subject daw ng ambush na isang congressman .Pareho silang nakatira sa isang subdivision.

Pero madalas daw ay gusto ni Kim na may nakakausap. Mukhang na-trauma siya sa near death experience na ‘yun.

Sa mga panahong lockdown ang bansa mas may panahon ang aktres na makasama ang pamilya at makapagpahinga.

Sa mga nagtatanong naman kung bakit wala sa eksena si Xian Lim at nag-aakalang break na ang dalawa, very much together pa rin naman daw ang magkasintahan.