Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Congressman naihi sa Clark airport, tinaboy

0 63

Nagpahayag ng pagkadismaya ang isang lider ng Kamara matapos umano itong itaboy na parang aso sa Clark International Airport.

Sa kanyang privilege speech kahapon, ikinuwento ni House Deputy Speaker at Negros Oriental Arnolfo Teves Jr. na dumating siya noong isang linggo sakay ng pribadong eroplano sa Clark.

“Merong terminal sana dun na maliit para sa mga private na aircraft, dati may banyo dun na nagagamit, ngayon nagulat ako pagkababa ko sa eroplano para kaming aso na binubugaw nung tao dun sa opisina,” sabi ni Teves.

Nagpatuloy umano siya sa paglalakad dahil nais niyang makigamit ng banyo.

“So pagdating ko dun sa opisina sinalubong ako ng mga tao dun ang yayabang na, ang susungit. So tinanong ko ano na ba ‘to ngayon? Opisina daw ng LIPAD Corp. Sabi ko ano itong LIPAD Corp.? Sila daw nagpapatakbo ng Clark (airport) sabi ko puwede ba maki-ihi lang, hindi daw pwede, bawal,” kuwento ni Teves.

SM food to go Banner Ad

Ang LIPAD o Luzon International Premier Airport Development Corporation ang operator ng bagong terminal building ng Clark airport.

Nagbabala si Teves na magbibigay ng maling impresyon ang ginagawa ng mga tauhan ng LIPAD sa mga VIP at investor na lalapag sa Clark airport sakay ng pribadong eroplano.

Isiniwalat din ni Teves na mayroong tumawag sa kanyang tanggapan mula sa LIPAD at nais na makipag-usap.

“Kung tama sila, hindi ko maintindihan bakit kanina nagpapatawag sila sa opisina ko, gusto makipag-usap at mag-apologize daw. Sabi ko kung gusto ninyo mag-apologize pumunta kayo dito sa Kongreso,” ani Teves.

“That’s all Mr. Speaker sana lang maturuan ng leksyon itong mga tao na ‘to masyado talaga silang masungit at mayabang pa,” pagtatapos ng kongresista. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.