Abante Tonite Interactive

Congressman pinalulutang sa inarestong band member

By
448

Nanawagan ang isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para lumutang na ang congressman na nagmamay-ari ng No. 8 plate na ginamit sa sasakyan ng inarestong miyembro ng isang banda sa road rage incident na nangyari sa Angeles City, Pampanga.
“He or she should just come out in the open. So that, aside from his or her criminal liability, ma-attribute din ‘yung fault nang pamimigay ng plaka dun sa miyembro ng Kongreso,” apela ni House Minority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin sa isang panayam kahapon.
Iginiit ng kongresista na dahil sa kabalbalan ng drayber ay nadamay pati ang mga lehitimong miyembro ng Kongreso.
“Nadadamay ‘yung mga members ng Congress especially na ‘yung perpetrator pala doon, ‘di naman miyembro ng Kongreso,” giit ni Garbin.
Nahuli na kahapon ang nagmamaneho ng FJ Cruiser na nag-viral sa social media.
Nakilala ito na si Jojo Valerio, 30, binata, negosyante, isang singer/band member at residente ng Quezon City.
Pero hindi tinukoy ni Valerio kung kanino ang plate number 8 na ginamit nito sa kanyang sasakyan na nag-viral sa road rage incident.
Sa kabila nito, sinabi ni Garbin na may paraan para matukoy kung sino ang may-ari ng otsong plaka dahil may bar code ang plaka. ­