Abante Tonite Interactive

Congresswoman iimbestigahan sa gluta session sa Batasan

1,086

Iniimbestigahan ng Ethics committee ng Kamara de Representantes si Mata Party-list Rep. Tricia Velasco Catera makaraang sumailalim sa Gluta-drip session sa kanyang opisina, na umano’y unethical para sa isang mambabatas.

“Catera seems to flaunt these unbecoming acts that make a mockery of her duties as a party-­list representative,” base pa sa 2-pahinang reklamo ni Bency Ellorin, chairman ng Pinoy Aksyon for Governance and Environment.

Ayon kay Ellorin, masyadong garapal ang ginagawang panga­ngalandakan ni Catera sa mga personal na aktibidad nito gaya ng Gluta-drip session, na isang paraan ng pagpapaputi, sa kanyang tanggapan sa Kamara sa oras na dapat ay nagtatrabaho siya bilang mambabatas.

Abante Hiring – IT dep

“Her effort to publicize on se­veral occasions, her obvious personal activities such as Gluta drip sessions done in her office at the premises of the House of Representatives no less, and during official time when she should be in the performance of official functions. Further, it is questionable if this practice is classified safe or legal under the code of ethics for doctors,” sabi pa ni Ellorin.

Hindi umano tamang gawing medical clinic ang Batasan dahil kung may hindi magandang mangyari ay posibleng malagay sa alanganing sitwasyon ang Kamara lalo na’t hindi umano regulated practice ang Gluta-drip.

Isang Dr. Bryan Buenavantura umano ang nag-administer ng Gluta sessions kay Catera.

Hiniling ang pagsasagawa ng imbestigasyon dahil sa hindi awtorisadong paggamit ng government properties sa hindi opis­yal na aktibidad ng isang mambabatas.

Wala pang sagot ang ­tanggapan ni Catera kaugnay sa ­reklamo.