Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Congresswoman nireklamo sa pagkamatay ng 12-anyos

0 168

Nahaharap sa P1 milyong moral damage suit si Lapu-Lapu City Rep. Paz Radaza kaugnay sa pagkamatay ng 12-anyos na lalaki na nakuryente sa loob ng kanyang property sa Barangay Tungasan, Olango nitong taon.

Naghain ng reklamo ang ina ng bata na si Rosie Taneo noong Agosto 14 sa Lapu-Lapu City Prosecutor’s Office laban sa mambabatas at sa caretaker ng rest house nito na si Ricardo Inoc.

Noong Agosto 25 natanggap ni Radaza ang subpoena na nagbibigay sa kanya ng 10 araw para tugunan ang alegasyon na nag-ugat sa pagkamatay ni Ren-Ren Taneo noong Mayo 29.

Umakyat diumano ang bata sa bakod ng property ni Radaza para kumuha ng manga kasama ang kaibigan nito. Gayunman, nakuryente si Re-Ren nang madikit sa live wire habang nasa loob ng property.

Ayon naman kay Radaza, nagulat siya sa paghahain ng reklamo ni Rosie, na isang barangay utility worker, laban sa kanya. Aniya, wala siya sa rest house nang mangyari ang insidente. Naging brutal din umano ang reklamo dahil pinagmukha umano na sinadya niyang makuryente ang bata.

Dagdag ni Radaza, na nakatira sa Brgy. Mactan, hindi pa ito bumisita sa nasabing bahay simula pa noong Abril ng naaraang taon. Dahil sa pagdungis sa kanyang reputasyon, posible rin umanong maghain ng countercharge ang mambabatas laban sa ina ng bata.

Leave A Reply

Your email address will not be published.