Abante Tonite Interactive

Conley, Mitchell, Jazz pinisak ang Warriors

414

Walong players lang ang isinagupa ng Golden State Warriors pero nakipagpukpukan sa Utah Jazz Biyernes nang gabi sa Salt Lake City.

Bandang huli, naubusan ang Warriors at tumukod sa Jazz 113-109.

Sumandal ang Utah sa 30 points ni Donovan Mitchell at sa 27 ni Mike Conley. Nagdagdag si Bojan Bogdanovic ng 17 points, nagbaba ng 19 rebounds at may 7 blocks si Rudy Gobert.

Binalikat ng 20 points ni Alec Burks ang ­Golden State. Nagdagdag si Omari Spellman ng 18, tig-17 kina Glenn Robinson III at Ky Bowman.

Nag-rally mula 21-point deficit ang Warriors para dumikit 111-109, 22.8 seconds na lang sa back-to-back baskets nina Burks at Robinson.

Nagsalpak ng tig-isang free throw sina Mitchell at Conley sa final seconds para selyuhan ang panalo.

Sumabay ang Warriors sa first quarter, dalawang beses pang lumamang ng isa. Angat sila ­20-19 sa dalawang sunod na ­baskets ni Burks na ­tumapos sa 8-0 run, at 28-27 sa putback layup ni Marquese Chriss.

Sinindihan ng four-point play ni Mitchell ang 22-6 run tungo sa 60-43 lead ng Jazz sa second. Tinapos ng back-to-back baskets ni Bogdanovic ang spurt. (VE)