Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Conor kay Manny: Isusunod kita!

0 72

Ikaw ang next!

Ito ang naging pasaring ni former Ultimate Fighting Championship (UFC) star Conor McGregor ng Ireland kay World Boxing Association (WBA) super featherweight champion Manny Pacquiao sa kanyang social media account.

“I will be ready for Texas and Texas will be ready for my fans! Then Manny, (Pacquaio)” saad ng former UFC featherweight and lightweight world champ nitong Linggo sa kanyang Twitter account.

Kaugnay ang banta ng Irish boxer sa pinaplantsang laban sa octagon kontra kay dating UFC interim lightweight champion Dustin Poirier.

Ayon kay UFC president Dana White, pirma na lang ni Conor sa kanyang kontrata ang kulang at ikakasa na ang salpukan nila ni Dustin kung saan sa naunang ulat ay napagkasunduang sa January 23, 2021 ang rematch.

Hinirit pa ni McGregor na sa AT&T Stadium sa Texas sila maglaban na wala namang kasiguruhan, at pagkatapos ay ng fighting senator ang susunod niyang uupakan.

Kamakalawa’y pinaramdam ni Pacman sa kanyang socmed account na ganado siyang makipagsuntukan.

“I’m in the mood to fight. #TeamPacquiao,” caption ni Pacman. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.