Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Conor kumasa kay Pacquiao

0 253

MATAPOS batiin ni fighting senator Manny Pacquiao sa kanyang kaarawan si UFC star Conor McGregor, agad naman itong sinagot ng Irish fighter kasabay ng tila paghahamong magharap ang dalawa sa lona.

Nauna rito, nagpaabot ng birthday greetings ang ‘Pambansang Kamao’ kay McGregor gamit ang kanyang Twitter account.

“Happy Birthday @TheNotoriousMMA,” tweet ng Pinoy ring legend.

In-acknowledge naman ito ng UFC champ at pinasalamatan ang 41-anyos Pinoy boxer ngunit may pabaon itong kantiyaw at paghamon.

“Thank you Emmanuel, 170.”

Ang number 170 kasi ay nangangahulugan ng timbang kung saan tila pinasaringan ng 32-anyos na fighter si Pacman na magharap sila sa 170 pounds weight limit. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.