Abante Tonite Interactive

Consistency wala sa Ginebra – Cone

312

Sa limang laro sa PBA Governors Cup, ‘di makitaan ni coach Tim Cone ng consistency sa buong 48 minutes ang Ginebra.

“We’ve been a team of two halves all conference long,” anang winningest coach ng liga. “We’ve played one average or below average half, and then one great half. Today we played the average half in the first half and then they played the great half in the second half. But we gotta find a way to kinda smooth that out.”

Dumating ang mga pahayag ni Cone tapos ng nakakangilong second half ng Gins para ibaon ang defending champion Magnolia 105-83 Linggo nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Pangalawang sunod na panalo ng Gins kontra heavyweight teams, isinalya din ang San Miguel Beer 129-124 nitong Oktubre 13.

Hindi inakala ni Cone na tatambakan nila ang Hotshots.

“We’re surprised. I’m absolutely surprised that we were able to put that game away like we did,” aniya. “It was big in the standings, we stayed at two losses now.”

Ngayon ay 3-2 na ang Ginebra, solo sa fifth. Sa 3-4 ay nalaglag sa seventh ang Magnolia.

“We knew this was a big game for us to win, to knock them to four losses and also to get the quotient. Big performance for us,” dagdag ng two-time grand slam coach.

Pinuna ni Cone na walang ball movement ang team sa first half. Sa opening quarter, may anim na 3s ang Gins pero iwan sila ng lima, 29-24. Binawi ng Ginebra ang manibela 35-34 tapos ng two, bago humarabas pagbalik mula sa break.

Anim na long range bombs din ang pinasabog ng Gins sa third, dalawa rito mula kay Stanley Pringle, para lumayo 58-49.

Idinikit ng jumper ni Romeo Travis sa 60-56, pero kumana ng back-to-back 3s si Jeff Chan para sindihan ang 11-0 run ng Ginebra. Isa pang tres ni Chan ay dumistansiya ang Gins 75-59.

‘Di nanlamig sa fourth ang Gin Kings, pinabuka pa sa 103-76 para iregalo ang pangatlong sunod na talo ng Hotshots. (VE)