Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Constantino namayagpag

0 255

Tinapakan ni rookie Harmie Constantino ang silinyador sa pag-birdie sa No. 13 para sa dalawang palong abante at tinapatan ang birdie ni Princess Mary Superal sa 16th pa-73 upang koronahan ang sarili bilang reyna ng ICTSI Eagle Ridge Challenge sa Aoki course sa Gen. Trias, Cavite Huwebes.

“I felt pretty good – starting my first pro tournament with a win,” lahad ni Constantino na may 54-hole total na 215 kasama ang 73-69 at mabiyaan ng P72K, “ But I really didn’t expect anything here. I’m here to have fun and enjoy the day.”

SM food to go Banner Ad

Nabitawan pa ng 4-9 ang taas na dalaga na taga-Taguig at dating University of Georgia mainstay ang two strokes lead sa kambal na bogey simula sa No. 11, pero nakabawi sa par-4 13th na na-bogey ni Superal, may 74-217 para sa muling pagsegunda sa huling dalawa sa nagdaang tatlong torneo ng Ladies Philippine Golf Tour (LPGT).

Pumangatlo si Pauline del Rosario na mayroong 75 at 221 aggregate. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.