Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Constantino salpak ng ace

0 33

Nagsalpak si Harmie Constantino ng ace sa No. 8 sa solidong 32 na simula sa Mt. Malipunyo pero binaba ng dalawang bogey sa Mt. Lobo para sa 70 at at one-stroke lead kontra kina Chihiro Ikeda at Marvi Monsalve sa pagsiklab ng ICTSI Mount Malarayat Ladies Challenge Miyerkoles sa Lipa, Batangas.

Dibdiban para masawata ang tagtuyot sa course kung saan siya nagreyna bilang amateur laban sa may mga dayuhang pro noong 2016, eksplosibo siya sa misyon sa mga birdie sa una’t panlimang butas bago ang hole-in-one sa 118-yard sa No. 8 sa 27-hole Mount Malarayat.

Pero nalaglagan ng isang palo sa par-3 No. 11 ng Mt. Lobo at isa pa ang reigning Ladies Philippine Golf Tour Order of Merit champion sa 15th sa pangangapa sa ilalim nang nakasusunog na klima.

“It wasn’t that good. I hit a lot of greens but missed a lot of birdie putts. I wasn’t also able to save a few par putts,” ani Constantino, sa mapaklang 38 sa likuran.

“But overall it was okay,” hirit ni Constantino, na biniyayaan ng P20K ng ICTSI sa unang alas ngayong taon sa LPGT at PH Golf Tour, at P10K halaga ng produkto ng host club. “But I think I could’ve done better.” (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.