Abante Tonite Interactive

Construction worker inasinta sa ulo

245

Sa ulo binaril ng mga salaring nagkunwaring delivery personnel ng Lazada Online Shopping, noong Lunes ng gabi ang isang construction worker sa Purok 7, Barangay Sto. Cristo Sur, Gapan City, Nueva Ecija.

Sa ulat na nakara­ting sa tanggapan ni Police Col. Leon Victor Rosete nakilala ang pinaslang na si Noel Caperlac Roxas, 42, ng naturang lugar.

Alas-6:10 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang himpilan ng pulisya
mula sa mga barangay Official ng Brgy. Sto. Cristo Sur at ipinabatid ang pangyayari.

Sa imbestigasyon lumitaw na ang mga salarin ay nagpakilalang mga taga-Lazada kaya’t nakalapit sa biktima na agarang pinuntirya sa ulo.
Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo at iniwang nakahandusay si Roxas.

Inaalam pa ang posibleng motibo sa krimen. (Jojo De ­Guzman)