Abante Tonite Interactive

Construction worker lumagapak sa ginagawang gusali

326

Patay ang isang cons­truction worker matapos mahulog mula sa ikaapat na palapag na gusali kamakalawa sa Malate, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Alberto Millano, ng Ymas Builder at taga-No. 946 T. Alonzo St., Sta. Cruz, Maynila.
Sa imbestigasyon ni P/MSgt Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District-homicide section ala-1:30 nang hapon nang maganap ang insidente sa ikaapat na palapag ng Malate Residences sa Unit R L.M. Guerrero St., San Andres, Malate.

Sa report ng pulisya, habang nasa ikaapat na palapag ng gusali ang biktima kasama ang isang mason ay nawalan ito ng panimbang at nagtuloy-tuloy na bumulusok sa ikalawang palapag ng hallway ng ginagawang gusali.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima pero hindi na rin umabot ng buhay. (Juliet de Loza-Cudia)