Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Construction worker na bebot rumaket sa droga

0 108

Isang babaeng construction worker na wanted ang naaresto sa inilatag na drug buy bust sa Brgy. Imbunia, Jaen, Nueva Ecija noong Lunes ng umaga.

Sa ulat ni Police Major Baltazar Corpuz, nakilala ang naaresto na si Evangeline Nagum Rivera, 49, ng Brgy. Pamacpacan, Jaen.

Alas-11:30 ng umaga nang isagawa ang operasyon ng mga tauhan ng drug enforcement unit at nakabili kay Rivera ng isang sachet ng shabu. Nang maaresto ay may karagdagang 6 na sachet pa ang narekober dito.

Nabatid na subject din ng Oplan Manhunt Charlie si Rivera ng mga tropa mula sa 1st PMFC, 4th MP NEPPO, at 303rd Maneuver Company RMFB3 dahil ito ay may arrest warrant sa kaso ring droga. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.