Abante Tonite Interactive

Construction worker nagnakaw ng bakal

212

Kulungan ang bagsak ng isang construction worker matapos mabuking sa pagnanakaw ng bakal sa loob ng construction site sa Brgy. Calumpang, Marikina City, Lunes nang gabi.

Sa nakalap na report sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), inaresto si Janer Lagajino y Saga, 20-anyos, residente ng Marikina City, na nahaharap sa kasong theft matapos magsampa ng kaso si Rufino Homerez y Buñales Jr., 56, representative ng JH Construction Corporation.

Ayon sa report, naaktuhan ng security guard na si Steve De Leon ang suspek na naghahakot ng bakal mula sa kanilang construction site.

Ayon kay De Leon, nagpapatrul­ya siya nang mamataan niya ang suspek na naghahakot ng scrap steel bar mula sa construction site kaya agad niya itong sinita at doon na tumambad sa kanya ang lima pang piraso ng scrap steel bar. (Vick Aquino)