Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Construction worker nalaglag sa balon, nasagip

0 102

Himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang 20-anyos na construction worker matapos siyang maiahon mahigit tatlong oras nang mahulog siya sa balon sa Barangay San Benito Sur, Aringay, La Union noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Aeyron Adle, construc­tion worker, ng Barangay Poblacion ng nasabing bayan.

Ayon sa Aringay Police Station (APS), naganap ang insidente bandang alas-4:03 ng hapon sa may construction site ng Barangay San Benito Sur.

Sa imbestigasyon, na­hulog umano ang tools ng biktima sa balon kung kaya kumuha ito ng tali at lumusong sa ilalim.

Dito, ayon sa testi­monya ng kasamahan ng biktima na umalalay sa kanyang pagbaba sa balon, aksidente itong nadulas at nahulog sa may lalim na 60-palam­pakang balon.

Agad humingi ng tu­long ang kasama ng bik­tima sa mga operatiba na agad namang rumesponde.

Pasado alas-7:00 na ng gabi nang ma-rescue ang biktima na agad dinala sa ospital dahil sa mga tina­mong sugat sa katawan. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.