Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Construction worker rumaket sa pagtutulak, kalaboso

0 286

Inaresto ng mga tauhan ng Fairview Police Station (PS 5) ang isang construction worker at kasabwat sa pagtutulak ng droga matapos mahuli sa checkpoint sa Quezon City, Linggo ng madaling araw.

Kinilala ni Quezon City Police District Director, PBGen. Ronnie S. Montejo, ang mga suspek na sina Jonard Calixto, 27, construction worker, taga-Barangay North Fairview at Joshua Obia, 22-anyos, ng Barangay Holy Cruz, Novaliches.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inaresto ang dalawa bandang alas-2:30 Linggo ng madaling araw sa J.P Rizal Street, Barangay Sta Lucia, Novaliches sa isang checkpoint habang sakay ng isang Honda Wave motorcycle na walang plaka.

Walang maipakitang sapat na dokumento at nang kapkapan ay nakita ang isang six inches swiss knife kay Calixto habang sachet ng shabu naman ang nakita kay Obia.

Nabatid na gamit ng dalawa ang motorsiklo sa pagtutulak ng illegal na droga. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.