Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Construction worker timbog sa raket na shabu

0 100

Arestado ang isang construction worker matapos mahulihan ng P20,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Marikina Police, sa Barangay Tañong.

Base sa Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Raymond Ciriaco, 29, alyas ‘Doraemon’ at kabilang sa listahan ng drug watch list. Naaresto siya alas-8:50 Miyerkoles ng gabi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu na nasa 3 gramo ang timbang ng P20,400 halaga at P500 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Marikina custodial facility at inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.