Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Construction worker tinarakan ng kaaway

0 384

Sugatan ang isang construction worker nang saksakin ng kanyang kagalit, matapos magkasabay sumakay sa tricycle sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Dinala sa East Avenue Medical Center si Mario Pilar, 26, ng Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod, matapos magtamo ng malalim na saksak sa tiyan.

Kaagad namang nadakip ng mga barangay tanod ang suspek na si Eden Amores, 25, kalugar ng biktima.

Kwento ng saksi, nagkasabay sa pagsakay sa kanyang tricycle sina Amores at Pilar sa Carmelita Village, Barrio San Lazaro, Brgy. 187. “Narinig ko na lang na parehas mataas ang boses at nagsasagutan sa loob ng tricycle ko,” sabi nito.

May dala palang patalim ang suspek at sinaksak kaagad ang biktima bago tumakas, pero tiyempo namang may nagrorondang mga tanod at nadakip ang una.

Nabatid na matagal nang may alitan sina Pilar at Amores. Kinasuhan ng frustrated homicide ang suspek. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.