Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Consultant ng mga fish importer bagong DA exec

0 51

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang undersecretary sa Department of Agriculture ang consultant ng mga fish importer na si Fermin Adriano.

Si Adriano ang nagrekomenda na mag-angkat ang Pilipinas ng 200K toneladang isda base sa pag-aaral na pinondohan ng Fisheries and Aquaculture Board of the Philippines Inc. na pinangungunahan ng meat importer na si Jesus Chua Cham.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa DA, si Adriano ay magsisilbing senior policy advisor kay DA Secretary William Dar at pangangasiwaan niya ang mga patakaran, pagplaplano, at research ng kagawaran.

Kasabay sa pagtalaga kay Adriano bilang undersecretary, prinomote naman bilang undersecretary si dating assistant secretary Kristine Evangelista para sa consumer at political affairs, kapalit ng nagretiro nang si Ernesto Gonzales.(Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.