Abante Tonite Interactive

Consultant ni Sereno, gigisahin sa P12M suweldo

By
2,459

Dadalo sa pagdinig ng impeachment complaint laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ang information technology (IT) expert na diumano’y tumiba ng P12 milyong kita sa loob ng limang taon bunsod ng P250,000 na buwanang suweldo sa consultancy fee nito.

Matatandaan na naging kontrobersyal ang IT expert dahil nasapawan pa ng sahod nito ang basic salary ng 15 mahistrado ng SC.

“I was informed that Ms. Helen Macasaet (IT expert) will appear in our next hearing this Wednesday,” ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng House committee on justice.

Bukod kay Macasaet, inaasahan din na haharap sa pagdinig sina Internal Revenue Commissioner Cesar Dulay, Sandiganbayan Justice Zaldy Trespeses, Court Administrator Midas Marquez, at iba pa.