Abante Tonite Interactive

Consultant yumaman kahit natalo ang among kandidato

0 213

Malungkot ngayon ang isang kandidato sa pagka-senador matapos matalo sa nakaraang halalan.

Hindi man lang daw kasi siya nagkaroon ng magandang laban sa senatorial race dahil sa napakalayo nito sa M­agic 12.

Wala pang plano ngayon ang talunang kandidato kung ano ang susunod na gagawin sa kanyang buhay.

Kung malungkot ang talunang kandidato, happy naman ang kanyang consultant dahil sa dami ng kinabig na pera noong nakaraang halalan.

Aba’y kaliwa’t-kana­n kasi ang ginawang pangangalap ng pondo, karamihan ay hindi dinedeklara sa tinutulungang kandidato.

Clue: Hindi kilala ang consultant pero ang natalong kandidato ay pamoso sa kanyang kapalpakan.