Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Contact tracer nationwide ngarag na – Magalong

0 239

Pagod na pagod na umano ang mga contact tracer sa buong bansa dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus araw-araw.

Ayon kay contact tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, kulang na lang aniya ay sabihin ng mga ito na time out muna.

“Pagod na pagod na rin po ang ating mga contact tracer, especially kung walang relyebo,” wika ni Magalong sa ulat sa telebisyon.

Sa ngayon aniya ay mayroon lang 149,000 contact tracer sa bansa, na nagagawang hagilapin ang mahigit 400,000 katao na nakasalamuha ng mga COVID-19 patient.

Dagdag ni Magalong, ngayong Setyembre ay plano ng gobyerno na mag-hire pa ng maraming contact tracer.

Leave A Reply

Your email address will not be published.