Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Contact tracing diary inobliga sa mga pulis

0 204

Pinaalala sa lahat ng kapulisan na panatilihin ang kanilang close contact diary upang mapadali ang gagawing tracing sakaling may isang magpositibo sa COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration at Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF) commander, ang close contact diary ng mga pulis at civilian personnel ay maituturing na `saving measure’sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus infection sa bansa.

Base kay Eleazar, ang close contact diary ng mga pulis ay naglalaman ng pangalan ng mga tao na nakasalamuha nila at dapat nakasaad ang petsa at oras nito para madaling rebyuhin kapag may isang nagpositibo sa virus. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.