Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Contact tracing palyado – Magalong

0 317

Inamin ni contact tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na humina at hindi na maganda ang takbo ang contact tracing system nitong mga nagdaang linggo kasunod ng biglaang pagsipa ng COVID-19 case sa bansa.

“For the past four weeks, you can see that it really deteriorated and look at the average, from 1:7, this is the national average, from 1:7, it went down to 1:3,” ayon kay Magalong sa virtual hearing ng House Committee on Health.

Paliwanag ni Magalong kung ang ratio ay nasa 1:3 na lamang, nangangahulugan na tanging ang miyembro ng pamilya ng pasyente ang na-trace at hindi na kasama ang ibang nakasalamuha nito.

SM food to go Banner Ad

“Technically, wala pong contact tracing diyan because ang gagawin lang ng isang contact tracer, ia-announce lang ho niya na ‘ung positive patient, hanapin niya yung members ng household and i-quarantine,” ayon kay Magalong.
Isa sa tinukoy na dahilan dito ni Magalong ay ang kabiguan umano ng maraming local government unit na gamitin ang uniformed data collection tool, bukod sa hindi maayos ang pag-encode sa ilang close-contact data. Gayundin ang limitasyon ng budget ng gobyerno upang kumuha ng mas maraming contact tracer.

Nagtataka rin umano si Magalong sa mga ahensiyang hindi gumagamit ng contact tracing app na StaySafe.ph.

Kamakailan ay pinagtibay ng Kamara ang resolusyon para sa paggamit ng iisang contact tracing app upang mas maging epektibo ang paghahanap sa mga nakasalamuha ng isang taong nagpositibo sa COVID-19. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.