Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Contact tracing sa Bulacan dibdiban

0 596

Higit na pinaigting ngayon ng Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 ang contact tracing at pinahigpit ang pagpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) Strategy upang maiwasan ang lalong pagkalat ng kaso ng COVID lalo na ngayong pumasok na sa lalawigan ang Delta variant.

Kinumpirma ni Gobernador Daniel R. Fernando na dalawang kaso ng Delta ang nakapasok sa Bulacan, isa sa San Ildefonso at isa sa Santa Maria, sa ginanap na Damayang Filipino Blood Letting Program sa Malolos City kamakalawa.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa gobernador, magaling na ang asymptomatic na kaso sa San Ildefonso habang sumasailalim pa ang isa sa quarantine mula sa munisipalidad ng Santa Maria.

Hinikayat niya ang mga Bulakenyo na patuloy na sumunod sa standard health protocols upang makaiwas sa pagkakahawa ng anumang variant ng virus. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.