Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Contactless bayad sa tollway nilarga ng DOTr

0 499

Upang matiyak na protektado ang publiko laban sa COVID-19, ire-require na rin ng Department of Transportation (DOTr) sa mga expressways ang paggamit ng cashless o contactless payments sa kanilang mga tollway.

Batay sa inisyu ni DOTr Secretary Arthur Tugade, ang Department Order 2020-012 noong Agosto 13, inaatasan ang mga ahensiya na bumuo ng mga bagong proseso at tiyakin ang maayos na pagpapatupad ng naturang bagong polisiya sa loob ng tatlong buwan.

Sa ilalim ng kautusan, natukoy na ang contactless transactions ay ipapatupad sa SLEX, NLEX, South Metro Manila Skyway, STAR Tollway, SCTEX, CALAX; at lahat ng iba pang road networks. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.