Abante Tonite Interactive

Contract to sell

220

Dear Atty. Claire:

May ibebenta pong lote ang parents namin. Sa kasalukuyan ay nag­huhulog na ang buyer ng monthly sa pamamagitan ng isang contract to sell.

Nagkataong lumipat na po sila permanently sa Roxas (Isabela) samantalang ang lote ay nasa Los Baños (Laguna) pero bago sila uma­lis ay nag-prepare na kami ng deed of sale at acknowledgement receipt na walang petsa. Ang plano po ay ipapanotaryo ito kapag fully paid na ang buyer.

Nagkataon po na ang mother namin ay namatay habang nasa Isabela. Father ko na lang po ang buhay. Makakaapekto po ba ito sa naka-prepare na deed of sale at acknow­ledgement receipt? One year pa bago ma-fully paid ang lote.
Maraming salamat po sa inyong kasagutan.

Regards,
Eduardo L.

Dear Mr. Eduardo L:

Ang ginawa po ng parents na gumawa ng blangkong deed of sale at may acknow­ledgment receipt pa ay lubhang delikado dahil kung hindi in good faith ang kausap ninyong buyer ay maaa­ring magamit ito laban sa inyo at sasabihin niya na fully paid na siya.

Mas magandang bawiin na nila at huwag nang bigyan ng bisa ang naunang ginawang deed of sale at acknowledgement receipt dahil maliban sa delikado ito ay hindi na rin siya tugma sa katotohanan dahil sa patay na ang isang sel­ler at hindi na rin ka­yang ipanotaryo ang nasabing deed of sale dahil hindi na makakaharap pa ang isang patay sa notary public.

Ang dapat lang ay isang contract to sell ang gagawin upang may proteksyon din ang mga magulang mo kung sakaling ‘di mababayaran nang buo.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8410-7624/9220245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.