Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Contractor, dyowa binaril sa haybol

0 84

Yumao ang isang contractor at ang live-in partner niya matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang hitman sa Alitagtag, Batangas, Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Allan Hosena, 47-anyos, at Veronica Boragay, 61, kapwa residente ng Brgy. Dominador East, Alitagtag.

Batay sa report ng Alitagtag Police, nasa labas ng kanyang bahay ang lalaki nang dumating ang mga suspek at malapitan siyang pagbabarilin.

Nakatakbo pa sa loob ng bahay ang biktima subalit hinabol siya ng suspek at doon muling pinagbabaril.

Nakita rin ng suspek ang babae sa loob ng bahay at binaril din ito.

Kapwa dead on the spot ang magdyowa dahil sa mga tama ng kalibre .45 baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspek na sumakay sa isang naghihintay na motorsiklo na minamaneho ng kasapakat nito. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.