Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Converge binoldyak ni Liza

0 115

Kinalampag ng aktres na si Liza Soberano ang telecommunication company na Converge ICT dahil sa bagal ng serbisyo nito sa internet.

“Converge really needs to start fixing their internet speed. I am an unhappy customer,” tweet ng aktres nitong Linggo ng hapon.

“Can’t even answer the phone whenever we call. How unprofessional,” dagdag pa ni Liza.

Kaagad itong umani ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizen.

Isang Twitter user ang nagpayo sa kanya na magpalit na lamang ng internet service provider.

Sinagot naman ito ng aktres at sinabing, “I really want to but I have a 3 year contract with them sayang yung bayad.”

“My money doesn’t grow on trees I work hard for it,” aniya pa.

Nag-reply naman ang Converge sa reklamo ni Liza at sinabihan ito na nag-direct message na sila sa aktres.

Sa kabila nito, nagkomento pa rin ang mga netizen sa insidente kung saan ilan ang nagsabi na mabilis daw palang umaksyon sa reklamo sa kanilang internet speed ang Converge kapag celebrity ang sangkot.

@rjssdrn: “pagsi Liza sinagot agad haizxt.”

Rob Dela Cruz @tM2212: “will be more vocal in order to represent all Converge subscribers who’s also having the same situation at the moment. Not just because she’s a celebrity but we all deserve the service what we pay for.”

@LoveCarDavid: “Sagutin nyo rin kaya to @Converge_CSU. Baka gusto nyo ng i-install. Higit isang buwan na e. SS-08-1368823 wag naman si liza lang sinasagot nyo hahaha.”

Isa namang Twitter user ang nagsabi na mabilis lang umano ang internet ng Converge sa una tapos bumabagal na.

@lizquenbubu: “I feel u Hopie converge ka pala converge den kami cavite area ung una sobrang bilis nga nya as advertised at pa hype nila noon pero lately sobrang bagal n dati walang buffering s youtube ngaun meron n tapos s Netflix kahit naka 4HD kami nag lolow quality n bcoz of slow connection.”

Tumugon naman dito ang Converge at sinabing, “this is from Converge Social Media. To protect your private information and to assist you better, please send us a PRIVATE MESSAGE. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.