Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Converge boss sinisi DPWH sa palyadong internet

0 34

Sinisi ni Converge ICT Solutions Inc. chief executive officer Dennis Anthony Uy ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kung bakit nawalan ng koneksyon sa internet ang daan-daang subscriber nito.

“Hundreds of our @ExperiencCNVRG subscribers were affected by these fiber cuts in our network along Pasong Tamo in Makati due to diggings done by the DPWH,” tweet ni Uy kahapon.

Kasama sa tweet ni Uy ang ilang larawan ng mga putol na kable.

Aniya, nakikipag-ugnayan ang kompanya sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan at sa mga awotoridad para maiwasang maputol ang kanilang mga serbisyo.

“We urge everyone for their cooperation so that we can serve our people better, especially during this time that internet connectivity has become our lifeline,” tweet pa ni Uy.

Wala namang abiso ang Converge sa mga social media account nito kahapon maliban sa tweet ni Uy.

Ayon sa tweet ng netizen na si @Jay62431236, alas-dos pa lang ng madaling-araw kahapon wala na silang internet.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hi! No internet connectivity in Makati area for the last 6hrs,” tweet ni Jay dakong alas-8:05 ng umaga.

Kinuyog naman sa Facebook ang post ng Converge na nagbubuhat ng bangko kung saan pinost nito ang diumano’y napakagandang experience sa kanila ng isang kustomer.

“Weh,” na lang ang nahirit ng netizen na si Kayl Dolce sa naturang post.

“Good for her. Pano yung mga concerns ng ibang customers? Yung akin inaamag na. Mag 1 year na pero walang resolution,” sabi naman ni Keen Flores.

Sagot ni Rhaizel Cancino kay Flores, “same ala din amag na amag na.”

Sabi naman ni Joey Nubla sa thread, “Dec ka pinutulan pero akala mo June 3 pa? Ang labo naman ata. Ganun ba katagal yung time allowance? Parang amoy scripted lang ah…para ba to cover up sa mga negative comment sa converge.” (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.