Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Converge inulan ng reklamo sa palyadong internet

0 414

Problemado ang mga work from home nitong Sabado nang pumalya ang internet ng Converge ICT.

Nagreklamo ang mga subscriber ng Converge ICT mula Tarlac hanggang Batangas sa Facebook at sa Twitter dahil nawalan sila ng internet kahapon at hindi pa rin nababalik ang serbisyo nito sa Albay na sinalanta ng super bagyong `Rolly’.

Tweet ni Axeth @Aceth_4: “Hoy converge! Ambagal ng internet naming. Akala ko ba 25 mbps service nyo eh nasa 1 mbps lang speed naming. Yung ticket naming halos 1 month na wala pa ding status. Nag PM ako wala namang nasagot.”

“Puro kayo hype papogi hangang ngayon sira prin ang net ko,” tweet pa ni John Robert Kelly II (@Johnrobertkelly).

Sinagot naman ito ng Converge at sinabihan siyang i-check ang kanyang direct messages na tila walang katuturan. Sinagot kasi ni John Robert Kelly Ii @Johnrobertkelly ang tweet ng “I did so when are you guys going to fix my connection?”

SM food to go Banner Ad

Sa Facebook kahapon, kada minuto may nagrereklamo sa official page ng Converge ICT na nawalan sila ng internet.

Dahil hindi maasahan ni dvnajoy @dvnajoy ang Converge connection niya, kumuha siya ng Globe at Home Prepaid Wi-Fi.

“Got our @ejoyGLOBE At Home Prepaid Wifi on the 2nd day after we placed the order in Shopee. We need this as a back up because of my work from home set up and @Converge_CSU failed me since Monday night,” tweet ni @dvnajoy.

Hatinggabi ng Biyernes pa nagreklamo si Alver Alonzo Almorato sa bagal ng internet ng Converge ICT.

Sa Binan, Laguna, nawala na ang internet ni Klent Viray ng alas-11:42 ng gabi at marami na ring mga nagwala dahil sa hina ng connection ng madaling-araw kahapon.

Sa sobrang daming reklamo ni Lhoyd Andrew Bernabe sa official FB ng Converge ICT, ito na lang ang nasabi niya: “Kaka bash ko sa converge naging top fan na ako.” (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.