Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Converge nganga, broadband sablay

0 131

Muling nakaranas ng pagkaantala sa serbisyo ang mga customer ng Converge ICT kahapon.

Dakong ala-1:10 ng hapon nang mawalan ng internet connection ang mga subscriber ng kompanya sa buong bansa. Nag-trending ang Converge sa Twitter dahil sa pagkaputol sa serbisyo nito. Galit na galit ang mga netizen na ang iba ay nagtatrabaho o ‘di kaya’y nasa online class na nangangailangan pa naman umano ng internet connection.

Himutok ni Jessa Maduro sa kanyang tweet, “Buong buo yung bayad ng mga customer nyo then yung service pang installment?”

SM food to go Banner Ad

Ito na ang pangalawang beses na nagkaroon ng problema sa serbisyo ang Converge ngayong buwan. Nitong Nobyembre 7, dakong alas-4:35 ng hapon nang magkaroon din ng problema sa signal ang mga subscriber nito sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.

Maging ang Senado ay nagkaroon din ng problema sa internet connection. Ayon sa ulat, nagresulta ito sa pagkaantala ng livestream ng budget debate dakong alas-2:30 ng hapon. Agad naman umano itong inayos ng Department of Information and Communications Technology.

Humingi naman ng paumanhin ang Converge, anila, “Our technical team is already working to resolve the issue at the soonest possible time.” (Eileen Mencias/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.