Converge panira sa online class, trabaho

Pangalawang araw nang nagdudusa ang mga esstudyante at mga naka-work from home dahil sa palyadong internet service ng Converge ICT.
Nag-trending sa Twitter ang Converge ICT noong Sabado dahil nawalan ng internet ang mga subscriber nito at wala pa ring koneksyon ang iba nitong Linggo.
“Converge utang na loob may gagawin pa koo di na ko nakaattend sa meeting kanina yawa,” tweet ni Khel @KhelFigueroa Linggo ng umaga.
“Converge anon a deadline na mamaya wala pa ring net?” tweet pa ni @Sarah Mustapha @hudsjung.
“Converge pag di ako nakapasa ng mga activities ko na due today ikaw magpaliwanag sa mga instructor ko h**** ka,” hirit ni Carla @nicolemae_reo.
Nag-speed test si (@kirbymrqz ng hapon, 0.04Mbps ang download speed at 4.86 Mbps ang upload speed niya sa Maynila na sobrang bagal. Pakiusap na lang niya, “’wag naman sana ngayong midterm week @Converge_CSU.”
Tweet ni Jay-J @jayjam013, “@Converge_CSu Sabi nyo 3am, maayos na ung maintenance? 7am na wala pa din. Anuna? And please lang paki ayos ang bandwidth naming upgraded kami to 35 mbps since April til now 25 mbps pdin kme pero ung bill naming napatungan na..nakakasawa na magfollow-up sa inyo.”
Twet naman ni Gil Giovanni Alferez @gilalferez0926, “Ughhh, ang bagal ng internet @Converge_CSU dito sa Juanca 3C Binan!!!!”
Wala pang pinopost o tweet na paliwanag ang Converge ICT sa mga official social media account nito na lalo lang ikinagagalit ng mga subscriber.
“SANA SINASABI NIYO KUNG ANONG PROBLEMA NYO DAMI NIYONG NAPUPURWISYO. PAG MARAMING KATANUNGAN MGA TAO WALA KAYUNG NAISAGOT. PERO KAPAG SINGILAN WALA PANG DUE DATE NAGPAPAALALA NA. PARA SAAN PA ITONG PAGE NATO MARCH PA HULING POST,” sabi ni Bon Fortich sa isang post sa official FB account ng Converge ICT.
“Wala manlang paliwanag kung ano nangyare sa kanila yung ilang araw ka na ng walang connection tapos mag babayad ka pa rin sa kanila ng buo,” sabi pa ni Zcedrick Irinea. (Eileen Mencias)