Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coo babu sa Tokyo

0 172

Naglaho na ang lahat ng tsansa ni Fil-Am BMX rider Patrick Bren Coo Lunes ng umaga na makakuha ng silya para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inatrasado ng pandemya sa darating na July 23-August 8.

Ito’y makaraang mag-47th place overall lang sa 62 riders siya sa 2021 International Cycling Union BMX Supercross World Cup – Round 4 sa Bogota, Colombia.

Katulad sa Round 3 Linggo, pumuwesto lang sa ikaanim ang 19-anyos na siklista sa Heat 5 Round 3 para sumala sa Last 8.

Pumangatlo rin uli siya sa Last Chance Race sa Heat 1 kung saan top two riders lang ang nag-quarterfinals upang tuluyang mapatalsik na sa kompetisyon. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.