Abante Tonite Interactive

Coo bagong pambato sa BMX

0 361

Nakadiskubre ang Pilipinas ng bagong kampeon sa katauhan ni Patrick Coo nang iuwi ang dalawang gold medal sa Men Junior at UCI C1 events, habang nag-silver si 2014 Incheon Asian Games gold medalist Daniel Patrick Caluag sa Men’s C1 ng Asian BMX Championships nitong weekend sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Hindi lang mga medalya ang nasungkit nina Coo at Caluag, kundi pati na ang pinaglalabanang importanteng mga nakatayang International Cycling Union Olympic Qualifying points mula sa padyakan.

Tumapos na ikaapat na puwesto muna si Caluag sa Men’s Race.

Nagtala si Caluag ng 29.9 segundo na point 5 of a second lang naiwanan sa nag-gold na si Daiiki Ikeda ng Japan. Inungusan ni Caluag ang nakaraang taong Asian Games silver medalist na si Bagus Saputra ng Indonesia na nag-silver.

Dinomina ni Coo ang Men Junior at UCI Class 1 events sa itinalang 0.67 segundo kontra Joonsoo Yoon ng South Korea at Yuichi Masuda ng Japan.
Ang resulta sa ACC at UCI C-1 BMX Malaysia ay nagbigay kay Caluag ng 120 UCI pts. habang si Coo ay nakolekta ng 90 UCI points. (Lito Oredo)