Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coo hahabol din sa Tokyo

0 168

“I am proud to be racing for the Philippines. It has been a dream,” sambit nitong isang araw ng 19-year-old BMX racer na si Patrick Coo na papadyak ng Olympic ticket ngayong taon sa pagsabak sa International Cycling Union BMX World Cup 2021 – Tokyo Olympic Qualification Tournament sa Bogota, Colombia sa May 29-30.

Ipinanganak at lumaki ang tinedyer na siklista sa Bellflower, California. Nagsimulang kumarera ng anim na taon pa lang at susubukang mag-qualify sa sport kasunod ni 2012 London Olympian Daniel Patrick Caluag na kinatawan ang ‘Pinas.

SM food to go Banner Ad

“We have a lot of talented Filipino cyclists and one of them is our teenage BMX cyclist Patrick Coo. We are counting on him,” lahad ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez. Nagkaaloob ang PSC ng P 1.2M financial assistance para sa kampaanyaa ni Coo sa Colombia. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.