Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coo maliksing nagkakaedad

0 83

Ibabahagi nina world-renowned Pinay tenpin bowler Olivia ‘Bong’ Coo Garcia at Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion-Nortoin ang mga karanasan sa Philippine Sports Commission’s (PSC) women empowerment web series Rise Up! Shape Up ngayong Huwebes.

May pamagat ang ikawalong episode na pinakahuli sa dalawang buwan ng serye na “Aging Gracefully: Embracing Life’s Golden Years,” at nakatuon sa dalawang kinukunsiderang “accomplished women’s healthcare” pati sa best lifestyle practices sa kanilang mga edad.

Related Posts

Ikinatuwa Miyerkoles ni PSC Chairman William Ramirez ang pagdalo ng dalawang opisyal ng sports kung saan giniit niya ang importansiya ng mga kilalang sports figure sa pagiging malulusog, maliliksi at aktibo pa rin pa rin sa kanilang pamumuhay.

“These powerful and decorated women in the sports scene make us proud of their achievements and inspire us to prioritize our health proving that age is just a number,” sambit ni Ramirez.

Namamahala sa programa si PSC-Women in Sports Oversight Commissioner Fatima Celia Kiram. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.